Paano gamitin ang Gamefarm Labs
Anim na simpleng hakbang — mula sa pag-set up ng farm mo hanggang sa pagbenta ng manok nang may patunay ng tunay na bloodline.
- 01
Gumawa ng farm mo
I-set up ang gamefarm mo sa loob ng ilang minuto — pangalanan, lagyan ng lokasyon, at handa ka nang mag-log ng mga manok.
- 02
I-register ang mga manok
I-add ang bawat manok na may litrato, bloodline, brood cock & brood hen, at hatch date. Bibigyan ng app ng sariling QR wing-band ang bawat isa.
- 03
I-track ang breeding
I-record ang mga pares, itlog, at hatch diretso sa cellphone mo. Makikita mong lumalago ang bloodline mo bawat henerasyon.
- 04
I-monitor ang kalusugan
I-log ang bakuna, bitamina, pagkain, at gamot — at maagang matukoy ang sakit gamit ang AI photo check.
- 05
Kunin ang QR certificate
Bawat manok may scannable QR — parang digital birth certificate na nagpapakita ng tunay na bloodline, records, at buong ownership history. Ito ang patunay na hindi peke.
- 06
I-transfer kapag nabenta
Nabenta na? Ilista sa Marketplace, i-scan ng buyer, ikaw mag-confirm — at lilipat sa kanya ang ownership kasama ang digital certificate. Hindi mawawala ang records.
Gusto mo nang subukan?
Malapit nang available ang app sa App Store at Google Play. Sa ngayon, mag-book ng libreng demo at bibigyan ka namin ng access — gagabayan ka namin mula simula.

